Ikaw na aking Idolo.. ( Donna Cruz )
This is the poem I wrote for my idol.. :)
Ikaw na aking Idolo, hinangaan simula noon
Ang buhay ko ay umiikot sa iyo magpasa hanggang ngayon
Ang bituin na dati ay kay layo, ngayo'y kay lapit na
Isang pangarap noon, ngayo'y katuparan na pala
Sa aking paglaki ikaw ang nakikita
Ang taglay mong ganda at talento sa pagkanta
Isang paghanga sa isang taong napakaganda
Hindi lang ng mukha, ng talento at ugali pa.
Ang aking kalungkutan noong aking kabataan
Laging naiibsan kapag ika'y naririnig na kumakanta
Sa radyo, telebisyon, pelikula at magasin man
Hindi pinapalampas ang lahat ng iyan.
Ikaw ang pumuno ng kasiyahan ng puso ko
Na hindi nakuha sa pamilyang mayroon ako
Kaya ako masaya sa buhay kong ito
Dahil may isang kagaya mo na nagbigay ng kulay sa buhay ko.
Sa bawat sulat na iyong sinasagot
Isang masayang ngiti na hanggang langit umaabot
Sa isang tagahangang katulad ko na umaasa
Na kahit isang sagot sa sulat ay sobrang saya na.
Sa aking pag-aaral ang naging inspirasyon ay ikaw
Mga payo sa sulat na pagbutihin aking pag-aaral
Parang isang mensahe ng nakatatandang kapatid
Na gumagabay sa isang batang paslit.
Sa Donnanian's na grupo aking nakilala
Ang bagong pamilya na sa akin ay nagpapasaya
Kami ay binuklod dahil sa pagmamahal namin
Sa isang bituing may ngalang ate Doings!
Sa pagdaan ng panahon ang paghanga di ibinabaon
Laging nasa puso at doon ginawang inspirasyon
Sa bawat agos ng buhay andoon ka at parating karamay
Ang mga awitin mo ang siyang nagbibigay buhay,
sa aming mga pusong nangalulumbay.
Huwarang artista sa lahat ng tao
Isang taong may mabuting puso
Isang mabuting anak, asawa at ina
Isang idolo at insiprasyon ng lahat ng tao.
Ako ay nangangarap sana isang araw
Na masilayan ang iyong ganda na nakikita lang sa balintataw
Sana pagdating ng araw na iyon, ang tagpo ng Idolo at isang
tagahanga ay iuukit ko sa aking puso.

No comments:
Post a Comment