Sunday, December 30, 2012

My AWESOME Kuku..

Just got this pic awhile ago from Aby.. It was taken last Christmas day.. My SOUL Sister Eu did my mani she does an AWESOME job.. Love ♥ ♥ ♥ my STAR filled nails.. hahaha! :))

LOOK oh! ang ganda diba! ;)

So Proud! of the AWESOME nail art by Luya. :)

Thursday, December 27, 2012

Making Changes..

“The first step to getting anywhere is deciding you’re no longer willing to stay where you are.”

Wednesday, December 26, 2012

Lost Cause Love..

Lutang.. yan ang nararamdaman ko ngayon after ng usapan kagabe.. but the truth is REALITY HITS ME IN THE FACE!

I hate myself sometimes, for the things i do and the choices i make.. and for falling in love with someone i can't have.. :(


Thank you! Sir Raph! for the realization.. Pero matagal na talaga ako naka move on, masaya ako for him. I've preferred to just enjoy and keep the feelings yun lang. I'm a FOOL.




I never wish a lonely heart of you , It's not your fault i chose to play fool..


Just memories and a love..


Life is short and there is no point in waiting and falling in love with someone you can’t have.

After all.. I still want to fall inlove again.. I still believe in love.. and that someone, somewhere meron din nakalaan para sakin.. and it will come at the right time.. :)

Tuesday, December 25, 2012

Christmassy..

I spend my Christmas with the two people who is like a family to me.. my SOUL Sisters..

Christmassy with my SOUL Sisters Eu and Aby. hihihi! :) 

Saturday, December 22, 2012

Kaibigan, Kapatid..

Last time, may nakachat ako na acquaintance.. Sabi niya saken sobrang nakakatuwa raw mga pics ko sa fb at nag eenjoy raw siya iview at na notice nya raw na ang dami ko raw talagang kaibigan.. Then she suddenly told me na dapat alam ko raw ang difference ng kaibigan at kabarkada.. hmmmm! lecturing me about friendships.. 

Ang sabi ko sa kanya..

Marami tayong kaibigan, marami tayong kakilala.. pero ilan lang talaga yung masasabi nating mga tunay na kaibigan kaya sobrang lucky and happy ako dahil nakilala ko na agad sila.. Lahat ng nakikita mo sa mga pics ko lahat yan mga tunay na kaibigan at mga kapatid ko na..

Dahil may TOPAK si Luya, nagkita kita kameng magkakaibigan.. hahaha! sabi niya kasi sa text "Wala akong karapatang magalit. Kaibigan lang ako."


Teeth and Topak


Ang topic ng inuman KAIBIGAN.. 


At dahil mataas ang *emosyon* ni Luya.. Lumabas ang pagiging guro niya at nagbigay ng lecture.. tungkol sa PAKIKIPAGKAPWA.. hihihi! :D

Ang 6 na antas ng Pakikipagkapwa-tao:

1. Kabatian ngunit hindi kakilala(Strangers)-- nagngingitian lang ngunit di magkakilala,naipapakita sa pamamagitan ng pagbati ng hi!,o hello! pangangamusta o sa pamamagitan ng tanguan, at facial expression. 

2. Kakilala(Acquaintances)-- maaaring magkasama sa trabaho,sa paaralan o sa isang pangkat subalit di pa malalim ang relasyon o ugnayan ngunit nagkakaalaman na ng mga pangalan. 

3. Kabarkada(Peers)-- mga taong kakilala,kasamahan kapangkat sa gawain o pagtitipon subalit di pa gaanong kapalagayan ng loob. 

4. Kaibigan(Friend)-- Mga taong may malalim na ugnayan subalit hindi pa lubos ang pagtanggap sa isat-isa ito ang unang hakbang tungo sa pagiging bestfriend. 

5. Matalik na kaibigan(Bestfriend)-- Naipadarama ang tunay na damadamin ng isa't isa, lubos na ang pagkakakilala at pagtanggap sa mga kahinaan at kalakasan ng bawat isa ito ang mataas na antas ng pakikipag-kapwa. 

6. Katuwang(Soulmate, Lover)-- Mga taong tanggap ang kahinaan at kalakasan ng bawat isa, katuwang at kapanalig sa lahat ng pagkakataon. kadalasan ay humahantong sa pagsasama ng dalawang tao lalo na't kung magkasalungat ang kasarian (upang maging iisa na lamang sa mata ng diyos at ng tao. ito ang pinakamataas na antas ng pakikipag-kapwa).

 Masakit ang ipen ni Teeth, kiming smile ni Topak and that's my boy! pose ni Tibay

Pagkakaibigan na higit pa sa tunay na magkakapatid ang turingan.

Ngiti ng tatay na ulit si Toyo, miss Universe smile ni Teeth at panghihipo ng malikot na kamay ni Topak

Alam nating lahat ang depinisyon ng kapatid. Para sa akin ang isang kapatid ay hindi lamang ang kapatid mo dahil sa siya ay anak din ng iyong mga magulang. Sila ren yung mga tao na hindi mo iisiping makakasundo mo ng lubusan kung basta mo lang titignan. 

Tuesday, October 16, 2012


 si Aida , si Lorna o si Fe ??? hahaha! :P

spur of the moment yayaan na mag lunch.. ayan at natuloy.. mabuti pa talaga ang biglaan kesa sa pinagpaplanuhan natutuloy.. HAHA.! sa uulitin ulet.. ituloy na ang beer at pizza.. :)))

Saturday, October 13, 2012

Thursday, August 09, 2012

Ang Tula at Tulala..

Here's my poem entry for our Linggo ng Wika in Donnanians group..



sa aking buhay muling nadama
ang tunay na saya na minsan lang makuha
sa piling ng mga Donnanians na aking nakilala
dahil sa aking idolo na pinakahahanga

ako ay natutuwa, nagagalak at namamangha
sa ibat-ibat ugali pag nagsama sama ay masaya
ibat-ibang opinyon, kalokohan at diskusyon
ang tunay na samahan makikita mo doon

hindi man gaano kami magkakakilala
pero sa isang kamusta ay alam mo na
ang pag-aalala tuwing may problema
ang pagmamahal nila'y lubos mong madarama

isang samahan na binuklod ng isang hangarin
na mapalapit sa idolong pinaka mimithiin
isang napakaganda at napakabait na si ate Donna
na hinahangaan at minamahal ng bawat isa

ako ay nagpapasalamt sa aking mga nakilala
sa grupong ito ako ay naging tunay na masaya
dahil sa mga tao na alam mong totoo
ang paghanga sa idolo at pakikipag kapwa tao

si ate Donna noong kaarawan ko
ako ay napasaya ng bongga totoo ito
akin siyang nakausap at sobrang natuwa
dahil isang pangarap na naman nakuha

maraming salamat aming Idolo
na sobrang pinasasaya ang aming mundo
ang nag aalis sa aming mga lumbay
at nagbibigay kulay at ngiti sa aming buhay



Pormal Pormalan Birthday Party!..

mygad! another year for me.. i'm getting old but getting even prettier! lolz! (that's the lame thing i said for myself.. wahaha!)

 


we had a great party and a great night.. it's our birthday party! (aby and i) it was exclusive.. and FORMAL.. wahahaha! :))


Friday, July 27, 2012

100 Must Do's Before I Die..

Every day is an opportunity to make a new happy ending.


   1. Magbilang ng 1 million 25 cents coins.
   2. Maglakad sa gilid na riles ng MRT train.
   3. Tumakbo ng 100 km. ng walang tigil.
√ 4. Makinig sa isang kanta ng paulit ulit lang.
   5. Matulog ng nakatayo.
   6. Magpatakbo ng 10 wheeler truck na may sakay na 10 toneladang bakal.
   7. Umawit ng Ako ay Pilipino sa harap ng isang foreigner.
   8. Magtayo ng bahay kubo.
   9. Tumalon mula sa first floor bldg ng may suot na salbabida.
√ 10. Maglaro ng labas ngipin taya.
   11. Manood ng tv ng walang tulugan sa loob ng 2 araw.
   12. Tumawid sa nakakamatay na tawiran at tumigil sa gitna ng 5 minuto.
√ 13. Umupo sa pinto ng jeep dahil walang maupuan.
   14. Mag palosebo sa poste ng meralco.
√ 15. Pumasok ng lasing sa klase.
   16. Kumain ng 10 siling labuyo na hindi umiinom ng tubig.
   17. Umakyat ng 2 bundok sa loob ng isang araw.
√ 18. Magpaplantsa ng kamay.
   19. Maglimas ng tubig sa swimming pool gamit ang tasa.
√ 20. Magpahaba ng buhok sa kili-kili sa loob ng isang buwan.
   21. Kumain ng kanin sa loob ng isang taon ng walang ulam.
   22. Magtanim ng ligaw na damo sa tabing kalsada.
   23. Magsuot ng gown habang namamalengke.
√ 24. Kumain ng bubblegum at lunukin pagkatapos. 
   25. Uminom ng isang timbang beer ng naka straw.
   26. Mag braid gamit ang miswa.
√ 27. Ubusin ang isang big size toblerone sa isang kainan lang.
   28. Kumain ng 1 kilong taba ng baboy at uminom ng napakalamig na tubig.
√ 29. Nagpadikit ng watusi sa daliri habang naputok ito.
   30. Magsayaw ng cha cha sa saliw ng isang hip hop song.
   31. Puntahan ang pinaka maliit na isla sa Pilipinas ng high tide ang tubig.
   32. Mangulangot at ipunin sa bote ng coke sakto.
√ 33. Umiyak ng bongga dahil sa pinanood na drama.
   34. Magbasa ng libro simula sa ending.
   35. Magbilang ng 500 daang buhangin.
   36. Ipunin ang luha sa isang bote ng bottled water at inumin.
√ 37. Lumabas ng bahay ng nakatapis lang.
   38. Mag status sa facebook sa bawat minuto sa loob ng isang oras.
   39. Magtayo ng sariling fans club ng may 10 libong myembro.
   40. Mag gayat ng 1 kilo ng sibuyas ng hindi lumuluha.
√ 41. Kausapin ang sarili.
√ 42. Humipan ng mga lobo at putukin pagkatapos.
√ 43.  Magpahabol sa aso.
   44. Maglinis ng bubong ng bahay at lagyan ng pintura pati bubong ng kapit-bahay.
   45. Humipan ng cake ng may 100 kandila ng sperma siguraduhin mamatay ang sindi ng lahat ng kandila sa  isang hipanan lang.
   46. Bilangin ang butil ng bigas sa isang sako.
√ 47. Mag bike ng may angkas sa harap at likod.
   48. Magtext gamit ang daliri sa paa.
   49. Balatan ang alimasag gamit ang chopstick.
√ 50. Gumawa ng tricks sa bisikleta at sumemplang.
   51. Bumaba sa paakyat na escalator.
   52. Mag ipon ng alikabok sa loob ng isang backpack.
   53. Sumakay ng bus at tumayo kahit maraming bakanteng silya loob.
√ 54. Kawayan ang eroplanong dumadaan sa  himpapawid.
   55. Kausapin ang Presidente ng Pilipinas at ang topic about sex.
   56. Magpakulo ng tubig hanggang matuyo ito.
   57. Mag kaskas ng isang bloke ng yelo tapos gagawing snowman.
√ 58. Matulog sa bubong ng bahay.
√ 59. Habulin ang mga bubbles at putukin habang nilipad ng hangin.
√ 60. Halikan ang lalakeng nagugustuhan.
   61. Pumunta ng Alaska at kumain ng snow.
   62. Mag bike papuntang Tagaytay.
√ 63. Sumuka habang nakahiga dahil sa kalasingan at matulog ng puro suka ang mukha.
   64. Matulog ng isang araw ng walang gisingan.
   65. Hanapin ang Bermuda Triangle.
   66. Pumunta ng Hawaii at kumain ng hawaiian barbeque.
   67. Gawin ang lahat ng posisyon sa Kamasutra.
√ 68. Ilista ang lahat ng kanta papatugtugin pag namatay ako.
   69. Sumakay sa balsa papuntang laot.
√ 70. Pumunta ng gaybar.
   71. Magtanim ng puno ng marijuana sa tapat ng bahay.
   72. Magbisikleta sa buhanginan.
   73. Magpagawa ng t-shirt na may nakasulat na Virgin.
   74. Kumpletuhin ang dragon balls.
   75. Gumawa ng time capsule at ibaon sa likod bahay.
   76. Mag roadtrip sa loob ng isang buwan kain lang ang pahinga.
   77. Magpa paint ng nude ala Rose ng Titanic.
   78. Maging mabuting tao.
   79. Malamang may isang tao na nakakaintindi ng takbo ng utak ko.
   80. Magpareserve ng de-kalidad na kabaong. (kulay puti ang gusto ko)
√ 81. Planuhin ang isusuot isang beses lang kasi mamamatay dapat komportable.
   82. Humingi ng kapatawaran sa mga taong nasakatan ko at nakasamaan ng loob.
   83. Umutang ng milyong milyon kasi burado na pag patay na ang umutang.
   84. Ihanap ng mapapangasawa ang nanay ko.
   85. Magsulat at sumagot ng mga korning tanong sa slumbook sa huling pagkakataon.
   86. Magkaroon ng bonggang lovelife na may kasamang hot sex.
   87. Makapag-asawa ng matino.
   88. Papasayahin ko kayong lahat isang buong araw tayong kakanta sa videoke.
   89. Sasakay ako ng roller coaster, lalabanan ko ang takot ko sa height.
   90. Sususlat ako ng erotiko, romansa at pantasya. Kailangan ko ng eksperiyensiya.
   91. Gumawa ng Music Video kasama ang lahat ng kaibigan ko.
   92. Ma experience ang Sky diving.
   93. Sumulat sa Wish Ko Lang.
   94. Maka bonding si mama, yung makapag chikahan kami na parang tropa lang yung walang hassle.
   95. Bibigyan ko ng regalo ang mga inaanak, kaibigan at kapamilya ko sa huling pagkakataon.
   96. Pupuntahan ko yung mga lugar na pangarap kong marating.
   97. Magrerecord ng video ng sarili ko, parang kinakausap ko kayo.
   98. Itatama ko lahat ng pagkakamali ko.
   99. Magsisi at humingi ng kapatawaran sa Diyos sa lahat ng aking mga nagawang kasalanan sa mundo.
  100. Magpa SALAMAT sa lahat.


         
        




Thursday, April 26, 2012

broken.. but moving on..

i know i had a hard life.. harder than some but not as hard as others.. but i decided long ago that i can either wallow in my own sorrow or get over it and get on..


i have live a life, that compared to others would seem to have been filled with great sorrow and unhappiness.. i wish i didn't live "the best years of my life" in the dark.. i wish i didn't spend so many nights crying T_T or so many days hoping that all this pain would end somehow..

i wish i had the courage to speak up, and let people know who i really was.. they just know me as the cheerful and happy girl i pretended to be.. some says that they envy me because all they see through me is a person whose life is so bubbly and colorful.. but the truth is, the real me hides in the dark.. i was so down on myself even when i had people who cared about me.. i let some people in but kept them at arms length.. they didn't see me.. they wouldn't see nor hear the words the way they were intended..

i did not want anyone to feel sorry for me, never did i want anyone to tip-toe around this aspect of my life.. it happened and i had no control over it.. it was not the easiest of lives to lead..

so i live my life to what i feel to be, to the fullest.. my only goal is to be happy and to those around me to be happy as well.. i am content to move on to what is next..

my whole life, all i really wanted was a little peace and some love here and there..

but.. c'est la vie..


Tuesday, April 24, 2012

My Finale Performance.. Awwwww!


I've won in a singing contest, can you believe it?.. LOL! :))



Monday, April 23, 2012

Ikaw na aking Idolo.. ( Donna Cruz )

This is the poem I wrote for my idol.. :)
Ikaw na aking Idolo, hinangaan simula noon
Ang buhay ko ay umiikot sa iyo magpasa hanggang ngayon
Ang bituin na dati ay kay layo, ngayo'y kay lapit na
Isang pangarap noon, ngayo'y katuparan na pala

Sa aking paglaki ikaw ang nakikita
Ang taglay mong ganda at talento sa pagkanta
Isang paghanga sa isang taong napakaganda
Hindi lang ng mukha, ng talento at ugali pa.

Ang aking kalungkutan noong aking kabataan
Laging naiibsan kapag ika'y naririnig na kumakanta
Sa radyo, telebisyon, pelikula at magasin man
Hindi pinapalampas ang lahat ng iyan.

Ikaw ang pumuno ng kasiyahan ng puso ko
Na hindi nakuha sa pamilyang mayroon ako
Kaya ako masaya sa buhay kong ito
Dahil may isang kagaya mo na nagbigay ng kulay sa buhay ko.

Sa bawat sulat na iyong sinasagot
Isang masayang ngiti na hanggang langit umaabot
Sa isang tagahangang katulad ko na umaasa
Na kahit isang sagot sa sulat ay sobrang saya na.

Sa aking pag-aaral ang naging inspirasyon ay ikaw
Mga payo sa sulat na pagbutihin aking pag-aaral
Parang isang mensahe ng nakatatandang kapatid
Na gumagabay sa isang batang paslit.

Sa Donnanian's na grupo aking nakilala
Ang bagong pamilya na sa akin ay nagpapasaya
Kami ay binuklod dahil sa pagmamahal namin
Sa isang bituing may ngalang ate Doings!

Sa pagdaan ng panahon ang paghanga di ibinabaon
Laging nasa puso at doon ginawang inspirasyon
Sa bawat agos ng buhay andoon ka at parating karamay
Ang mga awitin mo ang siyang nagbibigay buhay,
sa aming mga pusong nangalulumbay.

Huwarang artista sa lahat ng tao
Isang taong may mabuting puso
Isang mabuting anak, asawa at ina
Isang idolo at insiprasyon ng lahat ng tao.

Ako ay nangangarap sana isang araw
Na masilayan ang iyong ganda na nakikita lang sa balintataw
Sana pagdating ng araw na iyon, ang tagpo ng Idolo at isang
tagahanga ay iuukit ko sa aking puso.
 

"Donnanians" from Fans to Friendship..

Meeting new people is really a great experience and becoming close them is somewhat so unexpected.. I always had a great time chatting with them everyday, there is no dull moments..


 I LOVE my Donnanians Family! awwwww!

Closer to my Idol Donna..

Life right now as a Fan is really amazing and unbelievable.. Getting a Fan Sign from one's Idol is such a great achievement.. (really that great!) hahaha!


and my Idol "loooves" me.. hahaha! (that's what i asked her to write.. nyahaha!)

a Donna Cruz AVID fan..

I'm really an AVID fan of Miss Donna Cruz.. The proof is all the magazines, magazine and newspaper clippings, poster, photo albums and recordings of her that i still have in my possession until now.. hahaha!



It started when i was 8 years old.. and now I'm already 28 years old.. I'm still a BIG FAN! awwww!

I am Happy right now and truly blessed..

I don't really have a normal childhood, not normal in the sense of not having a complete family to mold me.. But that was all in the past now.. I'm already 28 years of age.. and I'm proud to say that eventhough God didn't give me a family to call my own.. I'm very lucky to have my Mommy, Mama, Aunties and Friends (lot's of them) that accepts me and love me as i am..



I am Happy right now and truly blessed from all the people that surrounds me.. Thank you! God for loving me unconditionally and for giving me those wonderful people around me..

it's been 5 years.. awwww!

Oh! my! it's been 5 years since my last post here in blogger.. Many things had happened in my life, and it seems just yesterday.. I really miss my old self.. I miss writing my emotions and what i really feel.. and now i'm back..

Am i Ready? ready to write anything.. or it's just another rants.. awwww! i don't want to go back on that time..

Let's wait and see..