Friday, June 13, 2008

sad.. senti.. whatever..


Nakakaasar, senti-sentihan ako ngayon.. Sometimes, it's not helpful talaga to listen to soft music 'coz instead of making you feel good, it just adds more emotions to your already mixed emotions.. Haaay!.. Hinga ng sobrang lalim malalim na malalim..

There's really something wrong with me.. I don't know why.. Wag ka maniwala kasi I absolutely know why I'm TORN.. I wanna get over it..

Sa lahat ng taong kakilala ko, iilan lang yata ang may taglay na ka-dramahan.. Pero kung ako, most people will think of me as the funny and the jolly person.. Pero hindi ganun ang pagkakakilala ko sa sarili ko.. Kahit anong saya ang ipinapakita ko, at the end of the day, ako pa rin ang nakakakilala sa sarili ko.. Ewan ko kung talagang pinanganak ba akong normal.. At one point, you'll see me laughing, having fun, engaging myself in activities that will take hold of this fun moments.. Pero pag-uwi, mag-isa na naman ako.. Mag-iisip na naman ako.. Sad na naman.. Tapos bukas, masaya na naman.. Tapos, senti na uli.. Alone.. Nothing's changed.. Ganun pa rin ako.. Pero di ko naman masabing di ko ineenjoy ang lahat ng pangyayari sa buhay.. I always have this mentality to "seize the moment"..Pero un nga, pagkatapos ng lahat ng saya, mag-iisip na naman ako na parang laging me kulang.. At maiisip ko na naman kung anong naging mali at may mga pagkakataon pa din na nagiging malungkot ako.. Is it for this damn reason na "single" ako ngayon?.. I never thought of that.. Kasi masaya naman ako na walang attachments.. Walang expectations kahit kanino.. Pero na-justify ko ba ng maayos ang rason kong yon.. Ewan ko..

No comments:

Post a Comment