Saturday, November 03, 2007

twinkle twinkle little stars..


nakakatuwang pagmasadan ang mga bituin sa kalangitan ngayong gabi.. dahil sa sobrang dami nila.. kailan ba ako huling tumingin sa langit at huling pinagmasdan ang ganda ng mga nagkikislapang bituin..? ang tagal na nga siguro noon kasi di ko na matandaaan ang huling araw na iyon..

ang ganda.. piping sabi ko sa aking sarili.. nakakatuwa para ulit akong bata na nag-iisip mag wish sa bituing mahuhuli kong bumagsak mula sa kalangitan.. ang daming bituin parang ngayon ko lang napagmasdan ang ganda ng mundo kapag gabi na.. ilan buwan na nga ba? pero mukhang taon na yata ang ibinilang bago ko ulit na-appreciate ang ganda ng bawat gabi o araw na dumaraan sa akin..

minsan kasi sa buhay natin nakakalimutan nating pahalagahan ang mga iilang bagay na para sa atin hindi naman ganoon kaimportante, di naman aalis at di naman nagbabago.. un ang parati nating sinasabi.. pero minsan huli na natin ito naaalala kung tuluyan na itong nawala sa buhay natin.. doon na ulit tayo nagsisismulang maghanap.. pag nawala na ang isang bagay.. na matagal na andiyan ngunit di naman napapahalagahan..

katulad na lamang ng mga taong importante sa atin maging kapamilya man ito o kaibigan.. habang andyan sila balewala lang sa atin.. pero bakit kapag nawala ang isa sa kanila.. doon lamang natin naaalala ang kahalagahan ng bawat isa.. bakit kailangan pa may mawala sa buhay natin para lang marealize natin ang kahalagahan nila.. nakakalungkot ngunit ganoon na lang parati at paulit ulit lang..

bakit ang tao mahilig mag take for granted ng kapwa nila?.. di ba nila naiisip na nakakasakit sila ng damdamin ng iba kahit di nila sinasadya.. o sinasadya na nga lamang ba?.. ano ang dahilan nila? sapat bang malaman ng taong nasaktan ang dahilan niya kung bakit siya nagbago ng pakikitungo dito.. o sadya lang talagang nagbabago ang tao kahit di niya talaga sinasadya.. marami kasing dahilan.. pero kung ano man iyon naiintindihan ko.. kung iyon ang nais niyang ipaintindi sa akin.. buong puso kong tatanggapin ang kalayaan niya kung iyon ang magpapaligaya sa kanya.. pakakawalan ko siya.. at hahayaan tuklasin ang buhay at nararamdaman niya ng di ako kasama..

mahal ko ang lahat ng tao sa aking paligid.. hanggat kaya kong intindihin sila ay gagawin ko.. masasabi kong ito ang nagpapaligaya sa akin.. ang isipin nilang mahalaga sila sa akin na kahit anong mangyari nandito pa rin ako para sa kanila.. kahit iniwan nila ako sa kawalan.. magbalik lang sila ay bukas pa rin ang aking buhay para sa kanila..
pero sana kung mangyayari man ang araw na iyon.. sana ay di pa huli ang lahat..

No comments:

Post a Comment