Thursday, March 02, 2006

"bastarda.." ito ang kwento ng aking buhay..

Minsan, napapaisip ako tungkol sa aking sarili.. kung ano ba ang mga masasayang nagawa ko noon.. pero ang naalala ko lang yung malulungkot na nangyari sa buhay ko, ang malungkot na kabataan, yun bang pakiramdam na nag-iisa ako.. at tuwing naaalala ko ang mga iyon napapaiyak ako..

Maraming tanong ang gumugulo sa akin.. bakit kaya hinayaan ng Diyos na mangyari ito sa buhay ko.. bakit kailangan kong pagdaanan ang mga bagay na nagpapahirap sa akin, mga bagay na nagpapabigat ng kalooban ko.. bakit ako malungkot samantalang ang iba masaya.. alam kong walang makakasagot sa akin.. at alam kong wala ring nakakaalam ng totoong nararamdaman ko..


Sa pamilya ko at mga kaibigan.. kilala nila ako bilang isang masayahing tao.. pero sa totoo.. ako, hindi ko kilala ang sarili ko.. di ko alam kung ano ba talaga ako.. basta ang alam ko kailangan kong maging masaya sa paningin nila..

Isa akong "bastarda".. matagal na kong nagtatago sa aking pagkatao.. pero andito pa rin ako di ko kayang makawala.. yun bang tipong tumatakbo ako ng mabilis.. pero hindi ko alam saan ako pupunta.. sa pagtakbo ko marami akong nadaraanang masasayang bagay.. tapos dadating un pagkakataong alam kong malapit ko ng matakasan.. pero hindi pala.. nandoon pa rin ako.. nagsisismula ulit tumakbo.. sino ba naman kasing tao ang magiging totoong masaya kung bago pa man siya ipanganak isang miserableng buhay na ang naghihintay sa kanya.. ganito rin ba ang nararamdaman ng ibang katulad ko na galing sa di buong pamilya?..

Pero isa lang ang maipagmamalaki ko.. ganito man ako.. alam kong marami rin akong napapasayang tao.. ayoko kasing maging malungkot habang buhay.. kahit malungkot ako para sa sarili ko..

Siguro nga nasisiraan lang ako.. hindi ko nga matakasan ang nakaraan ko.. pero nakikita nyo akong masaya.. hindi nyo ako nakikitang malungkot.. magaling lang siguro akong magtago.. kasi ako yung tipo na hindi naaawa sa sarili.. ayokong kaawaan ang sarili ko.. ito marahil ang natutunan ko sa aking paglaki..

Masaya naman ako sa nangyayari sa aking buhay.. dahil alam kong maraming nagmamahal sakin.. di man ako nakaranas ng pagmamahal sa mga magulang ko.. atleast alam kong may mga tao sa paligid ko na nagmamahal sakin na hindi humihingi ng anumang kapalit.. sabi ko nga sa sarili ko dahil doon.. masaya na ako at kuntento na sa buhay.. pero sadyang di mo talaga matatakasan ang nakaraan.. kahit anong pilit mong baguhin ang iyong sarili.. ganoon ka pa rin di mo maitatago iyon..

Pero pagod na ako.. ayoko ng ibalik ang nakaraan ayoko ng isipin kung saan ako nagmula.. gusto ko na lang kalimutan lahat ng malulungkot na nangyari sa buhay ko.. Siguro kung bibigyan ako ng Diyos ng isang kahilingan.. hihilingin ko lang sa kanya ang magkaroon ng isang masayang pamilya.. wala mang kayamanan.. basta maranasan ko lang paano mahalin ng magulang okay na iyon..

Ang bigat ng dinadala ko lahat ng ito nasa puso ko.. yun tipong alam mong buhay ka.. pero kulang ang pagkatao mo..Minsan nga nasabi ko sa aking sarili.. tama lang siguro itong nangyayari sa akin.. kasi hindi naman ako naging mabuting anak sa mama ko.. kaya hindi ako dapat maging masaya..

Hindi ako masamang tao.. masyado lang akong naapektuhan ng mga nangyayri sa akin.. i know that somewhere deep inside me, is a loving and caring person who just wants to be happy for the rest of her life.. gusto kong makita ang sarili kong totoong masaya.. isang bagong buhay na walang kalungkutan at sama ng loob..

Pero paulit-ulit lang.. di ko talagang kayang takasan ang nakaraan.. ang alam ko kailangan ko munang harapin ang katotohanan.. para itong isang kahon.. may isa lamang bukasan pero napakadilim nito para makita.. mahirap intindihin pero dapat ko itong gawin.. alam kong ako lamang ang makakasagot ng mga katanungan ko.. mga tanong na ayaw kong sagutin.. kailangan kong makita kung ano ang mali sa akin.. kailangan kong malaman.. kailangan kong hanapin ang totoong ako..

Pero kung saan ako magsisismula.. at kailan mangyayari iyon.. iyon ang hindi ko alam..
Pero ang masasabi ko lang ngayon.. napatawad ko na ang mga taong nagbigay sa akin ng sama ng loob.. sa tingin ko kasi yun lang ang magpapalaya sa kalungkutang nararamdaman ko..

ito ang kwento ng aking buhay..


No comments:

Post a Comment