Saturday, June 10, 2006

regrets..

haaay! regrets.. sa buhay marami ako niyan.. parati nman kasi nasa huli ang pagsisisi.. kailan nman kaya naging sa una diba?.. bakit kaya gnun? minsan akala mo tama.. akala mo masaya ka na.. bigla na lang sa isang iglap nagbabago lahat.. bakit kaya ganoon?
matatawag mo bang regrets din yun nararamdaman mo.. pag naramdaman mong everything just changed from the way it used to be.. bakit minsan yun mga bagay na ganun minsan pinagsisisihan pa rin.. talaga bang may happy ending? o sabi lang nila yun.. 
kasi sabi nila kapag positive lahat ng mangyayari sa buhay.. masaya pero walang thrill.. pero naman pag negative lahat.. may regrets.. pero it will teach you naman lessons in life that will make you strong.. saan ba talaga tayo lalagay?.. paano ba maging masaya.. na walang regrets..
may mga tao bang nabubuhay ng walang regrets sa mga nangyayari sa buhay nila?

Wednesday, June 07, 2006

letting go..

in love, when you are making a decision, did you ever feel when your mind tells you one thing while your heart tells you another? grabe! talagang nakakaloka diba? in your case what would you do follow your heart or your mind?.. iisipin mo nga ba o isapuso mo ang desisyon.. hmmm..

well in times like these, you must learn to detemine whether you have a more passionate heart or a wiser mind or a passionate mind or a wiser heart.. ayan na ikaw na bahala pumili kung ano ka.. then at the moment you know kung ano ka make a crucial decision.. ask ko lang ready ka ba talaga i-accept ang consequences ng naging desicion mo?.. nakakatakot diba? lalo na kung meron kang masasaktan at kung minsan hindi naman umayon sa hinahangad mo..

in this life, we must learn how to accept things.. coz' there are things that are meant to be and there are others better left as it is.. and if we try to manipulate them.. diba lalo lang gumugulo hanggang di mo na alam ano ba talaga ang naging problema at ano ba yun problema.. parang dumami yta at lalong naging complicated lahat.. gets mo ba? yun ba ang gusto mo?..

you have to try, mahirap naman iwan sa ere ang lahat at kalimutan na lang yun mga nangyari diba? don't be afraid sa magiging outcome na mga desicions mo.. you better learn from evry experience.. pagsisisi sa umpisa lang naman yun, pero as time pass by you will realize that it is just part of your life and that's the way how life teaches you to be strong and to be the person you have to be.. diba may mga taong sinaktan ka in some ways, but better be thankful for them kasi they teaches you to be strong and have the guts to face the reality, sa umpisa ka lang naman iiyak..

dont be sad and cry when it is over, rather smile and be happy still because it happened..life is never fair.. sabi nga nila, expect the unexpected..that is why letting go is really the hardest thing you ever have to do in any relationship.. pero minsan diba kung ano pa yung nakakasakit sa atin ay yun pa ang nagpapalakas sa atin.. masakit pero we will still live through it naman.. but the only question is when?

atleast you have the courage to fight the feeling of needs that can put you in more complicated life in the next coming days and you have seen the warning of uncomfortable situation that you might be in if you tried to follow what your unsure heart dictates you.. there is a time for everything.. sabi nga nila may destiny.. that there is someone, somewhere who is really meant just for you.. the right time will tell kung kailan ba talaga siya darating sa buhay mo.. dapat mga ganyang bagay ang iniisip mo.. ang dami kayang lalake sa mundo.. why don't you give them a chance na makilala ka.. baka mamaya siya pala yung love of your life mo.. just think positive.. wag kang loka na 1 taon na iniiyakan mo pa.. mahirap naman na umasa pa sa relasyong wala na talagang patutunguhan.. un bang ikaw lang ang gumagalaw diba? ano ka luka-luka..? if you are in time of hurt and pain.. di naman pang habang buhay yun.. ano ka pinakamalas na tao sa buong mundo.. wala namang gnon.. siguro nag-se-self pity ka?.. alam mo ba yun ang pinaka worst na bagay na gawin mo sa sarili mo.. one thing for sure kapag nag-self pity ka sigurado sa menta hospital ang bagsak mo.. just let go.. and enjoy life.. bahala ka di kita dadalawin sa mental..

basta ang masasabi ko lang for sure, dahil sa mga pinagdaanan mo darating yun time na mahahanap mo rin yung true happiness that you really deserve.. minsan ang pagiging matalino at tuso ay di naman masama.. ito lang kasi yung way na protektahan ang sarili natin sa mga taong gusto tayong saktan at i-put down.. gusto nyo ba un? pero di naman natin sila hahayaan na gawin nila sa atin yun.. kaya naman nating mabuhay ng wala sila at di naman tama na ipagpilitan natin ang ating mga sarili sa taong ayaw naman sa atin..

Thursday, March 02, 2006

"bastarda.." ito ang kwento ng aking buhay..

Minsan, napapaisip ako tungkol sa aking sarili.. kung ano ba ang mga masasayang nagawa ko noon.. pero ang naalala ko lang yung malulungkot na nangyari sa buhay ko, ang malungkot na kabataan, yun bang pakiramdam na nag-iisa ako.. at tuwing naaalala ko ang mga iyon napapaiyak ako..

Maraming tanong ang gumugulo sa akin.. bakit kaya hinayaan ng Diyos na mangyari ito sa buhay ko.. bakit kailangan kong pagdaanan ang mga bagay na nagpapahirap sa akin, mga bagay na nagpapabigat ng kalooban ko.. bakit ako malungkot samantalang ang iba masaya.. alam kong walang makakasagot sa akin.. at alam kong wala ring nakakaalam ng totoong nararamdaman ko..


Sa pamilya ko at mga kaibigan.. kilala nila ako bilang isang masayahing tao.. pero sa totoo.. ako, hindi ko kilala ang sarili ko.. di ko alam kung ano ba talaga ako.. basta ang alam ko kailangan kong maging masaya sa paningin nila..

Isa akong "bastarda".. matagal na kong nagtatago sa aking pagkatao.. pero andito pa rin ako di ko kayang makawala.. yun bang tipong tumatakbo ako ng mabilis.. pero hindi ko alam saan ako pupunta.. sa pagtakbo ko marami akong nadaraanang masasayang bagay.. tapos dadating un pagkakataong alam kong malapit ko ng matakasan.. pero hindi pala.. nandoon pa rin ako.. nagsisismula ulit tumakbo.. sino ba naman kasing tao ang magiging totoong masaya kung bago pa man siya ipanganak isang miserableng buhay na ang naghihintay sa kanya.. ganito rin ba ang nararamdaman ng ibang katulad ko na galing sa di buong pamilya?..

Pero isa lang ang maipagmamalaki ko.. ganito man ako.. alam kong marami rin akong napapasayang tao.. ayoko kasing maging malungkot habang buhay.. kahit malungkot ako para sa sarili ko..

Siguro nga nasisiraan lang ako.. hindi ko nga matakasan ang nakaraan ko.. pero nakikita nyo akong masaya.. hindi nyo ako nakikitang malungkot.. magaling lang siguro akong magtago.. kasi ako yung tipo na hindi naaawa sa sarili.. ayokong kaawaan ang sarili ko.. ito marahil ang natutunan ko sa aking paglaki..

Masaya naman ako sa nangyayari sa aking buhay.. dahil alam kong maraming nagmamahal sakin.. di man ako nakaranas ng pagmamahal sa mga magulang ko.. atleast alam kong may mga tao sa paligid ko na nagmamahal sakin na hindi humihingi ng anumang kapalit.. sabi ko nga sa sarili ko dahil doon.. masaya na ako at kuntento na sa buhay.. pero sadyang di mo talaga matatakasan ang nakaraan.. kahit anong pilit mong baguhin ang iyong sarili.. ganoon ka pa rin di mo maitatago iyon..

Pero pagod na ako.. ayoko ng ibalik ang nakaraan ayoko ng isipin kung saan ako nagmula.. gusto ko na lang kalimutan lahat ng malulungkot na nangyari sa buhay ko.. Siguro kung bibigyan ako ng Diyos ng isang kahilingan.. hihilingin ko lang sa kanya ang magkaroon ng isang masayang pamilya.. wala mang kayamanan.. basta maranasan ko lang paano mahalin ng magulang okay na iyon..

Ang bigat ng dinadala ko lahat ng ito nasa puso ko.. yun tipong alam mong buhay ka.. pero kulang ang pagkatao mo..Minsan nga nasabi ko sa aking sarili.. tama lang siguro itong nangyayari sa akin.. kasi hindi naman ako naging mabuting anak sa mama ko.. kaya hindi ako dapat maging masaya..

Hindi ako masamang tao.. masyado lang akong naapektuhan ng mga nangyayri sa akin.. i know that somewhere deep inside me, is a loving and caring person who just wants to be happy for the rest of her life.. gusto kong makita ang sarili kong totoong masaya.. isang bagong buhay na walang kalungkutan at sama ng loob..

Pero paulit-ulit lang.. di ko talagang kayang takasan ang nakaraan.. ang alam ko kailangan ko munang harapin ang katotohanan.. para itong isang kahon.. may isa lamang bukasan pero napakadilim nito para makita.. mahirap intindihin pero dapat ko itong gawin.. alam kong ako lamang ang makakasagot ng mga katanungan ko.. mga tanong na ayaw kong sagutin.. kailangan kong makita kung ano ang mali sa akin.. kailangan kong malaman.. kailangan kong hanapin ang totoong ako..

Pero kung saan ako magsisismula.. at kailan mangyayari iyon.. iyon ang hindi ko alam..
Pero ang masasabi ko lang ngayon.. napatawad ko na ang mga taong nagbigay sa akin ng sama ng loob.. sa tingin ko kasi yun lang ang magpapalaya sa kalungkutang nararamdaman ko..

ito ang kwento ng aking buhay..


just a newbie in my own blog..

this is my new home.. hehehe! my new place.. a place to share anything that i want to do and things i want to say.. wala lang! har!har!